4Ang ibang mga mamamayan ng Juda at Benjamin ay nakatira sa Jerusalem. Ito ang mga pinuno ng mga probinsya ng Juda at Benjamin na nakatira sa Jerusalem. Mula sa lahi ni Juda: si Ataias na anak ni Uzias (si Uzias ay anak ni Zacarias; si Zacarias ay anak ni Amaria; si Amaria ay anak ni Sefatias; at si Sefatias ay anak ni Mahalalel na mula sa angkan ni Peres);
5si Maaseias na anak ni Baruc (si Baruc ay anak ni Colhoze; si Colhoze ay anak ni Hazaias; si Hazaias ay anak ni Adaias; si Adaias ay anak ni Joiarib; at si Joiarib ay anak ni Zacarias na mula sa angkan ni Shela;
6sa mga angkan ni Peres, 468 matatapang na lalaki na nakatira rin sa Jerusalem).
7Mula sa lahi ni Benjamin: si Salu na anak ni Mesulam (si Mesulam ay anak ni Joed; si Joed ay anak ni Pedaias; si Pedaias ay anak ni Kolaias; si Kolaias ay anak ni Maaseias; si Maaseias ay anak ni Itiel; at si Itiel ay anak ni Jesaias);
8ang sumunod kay Salu ay sina Gabai at Salai, at ang 928 kamag-anak nila.