20Si Kalai ang pinuno ng pamilya ni Salu. Si Eber ang pinuno ng pamilya ni Amok.
21Si Hasabias ang pinuno ng pamilya ni Hilkias. At si Netanael ang pinuno ng pamilya ni Jedaias.
22Noong panahon ng paghahari ni Dario sa Persia, inilista ang mga pangalan ng mga pinuno sa mga pamilya ng mga pari at mga Levita. Nang panahon ng mga punong paring sina Eliasib, Joiada, Johanan, at Jadua.
23Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita hanggang sa panahon ni Johanan na apo ni Eliasib ay nakalista sa Aklat ng Kasaysayan.
24Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita ay sina Hasabias, Serebias, Jeshua, Binui, Kadmiel, at ang iba pa nilang mga kasama na nakatayo sa kabilang bahagi nila sa oras ng pag-awit sa Templo ng mga papuri at pasasalamat sa Diyos. Sila ang sumasagot sa awit ng kabilang grupo ayon sa utos ni David na lingkod ng Diyos.