Nehemias 12

Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita ay sina Hasabias, Serebias, Jeshua, Binui, Kadmiel, at ang iba pa nilang mga kasama na nakatayo sa kabilang bahagi nila sa oras ng pag-awit sa Templo ng mga papuri at pasasalamat sa Diyos. Sila ang sumasagot sa awit ng kabilang grupo ayon sa utos ni David na lingkod ng Diyos.

Nehemiah 12:24 (UKJV) And the chief of the Levites: Hashabiah, Sherebiah, and Jeshua the son of Kadmiel, with their brethren opposite to them, to praise and to give thanks, according to the commandment of David the man of God, ward opposite to ward.

22Noong panahon ng paghahari ni Dario sa Persia, inilista ang mga pangalan ng mga pinuno sa mga pamilya ng mga pari at mga Levita. Nang panahon ng mga punong paring sina Eliasib, Joiada, Johanan, at Jadua.

23Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita hanggang sa panahon ni Johanan na apo ni Eliasib ay nakalista sa Aklat ng Kasaysayan.

24Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita ay sina Hasabias, Serebias, Jeshua, Binui, Kadmiel, at ang iba pa nilang mga kasama na nakatayo sa kabilang bahagi nila sa oras ng pag-awit sa Templo ng mga papuri at pasasalamat sa Diyos. Sila ang sumasagot sa awit ng kabilang grupo ayon sa utos ni David na lingkod ng Diyos.

25Ang mga tagapagbantay ng Templo na nagbabantay ng mga bodega na malapit sa pintuan ay sina Matanias, Bacbuquias, Obadias, Mesulam, Talmon at Akub.

26Sila ang naglilingkod sa panahon ni Joiakim na anak ni Jeshua at apo ni Josadac at sa panahon ni Nehemias na gobernador at ni Ezra na pari at tagapagturo ng Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.