Nehemias 12

Ang mga tagapagbantay ng Templo na nagbabantay ng mga bodega na malapit sa pintuan ay sina Matanias, Bacbuquias, Obadias, Mesulam, Talmon at Akub.

Nehemiah 12:25 (UKJV) Mattaniah, and Bakbukiah, Obadiah, Meshullam, Talmon, Akkub, were porters keeping the ward at the thresholds of the gates.

23Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita hanggang sa panahon ni Johanan na apo ni Eliasib ay nakalista sa Aklat ng Kasaysayan.

24Ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga Levita ay sina Hasabias, Serebias, Jeshua, Binui, Kadmiel, at ang iba pa nilang mga kasama na nakatayo sa kabilang bahagi nila sa oras ng pag-awit sa Templo ng mga papuri at pasasalamat sa Diyos. Sila ang sumasagot sa awit ng kabilang grupo ayon sa utos ni David na lingkod ng Diyos.

25Ang mga tagapagbantay ng Templo na nagbabantay ng mga bodega na malapit sa pintuan ay sina Matanias, Bacbuquias, Obadias, Mesulam, Talmon at Akub.

26Sila ang naglilingkod sa panahon ni Joiakim na anak ni Jeshua at apo ni Josadac at sa panahon ni Nehemias na gobernador at ni Ezra na pari at tagapagturo ng Kautusan.

27Noong panahong itinalaga ang pader ng Jerusalem, ipinatawag ang mga Levita mula sa tinitirhan nila. Pinapunta sila sa Jerusalem upang makalahok sa masayang pagdiriwang ng pagtatalaga ng Templo sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awit ng pasasalamat at pagtugtog ng mga pompyang, alpa, at lira.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.