Nehemias 12

Noong panahong itinalaga ang pader ng Jerusalem, ipinatawag ang mga Levita mula sa tinitirhan nila. Pinapunta sila sa Jerusalem upang makalahok sa masayang pagdiriwang ng pagtatalaga ng Templo sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awit ng pasasalamat at pagtugtog ng mga pompyang, alpa, at lira.

Nehemiah 12:27 (UKJV) And at the dedication of the wall of Jerusalem they sought the Levites out of all their places, to bring them to Jerusalem, to keep the dedication with gladness, both with thanksgivings, and with singing, with cymbals, psalteries, and with harps.

25Ang mga tagapagbantay ng Templo na nagbabantay ng mga bodega na malapit sa pintuan ay sina Matanias, Bacbuquias, Obadias, Mesulam, Talmon at Akub.

26Sila ang naglilingkod sa panahon ni Joiakim na anak ni Jeshua at apo ni Josadac at sa panahon ni Nehemias na gobernador at ni Ezra na pari at tagapagturo ng Kautusan.

27Noong panahong itinalaga ang pader ng Jerusalem, ipinatawag ang mga Levita mula sa tinitirhan nila. Pinapunta sila sa Jerusalem upang makalahok sa masayang pagdiriwang ng pagtatalaga ng Templo sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awit ng pasasalamat at pagtugtog ng mga pompyang, alpa, at lira.

28Pinapunta rin ang mga mang-aawit mula sa mga nayon sa paligid ng Jerusalem at mula sa mga nayon ng Netofa.

29May mga nagmula sa bayan ng Bet-gilgal, at sa lugar ng Geba at Azmavet. Sapagkat ang mga mang-aawit ay nagtayo ng sarili nilang mga nayon sa paligid ng Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.