26Sila ang naglilingkod sa panahon ni Joiakim na anak ni Jeshua at apo ni Josadac at sa panahon ni Nehemias na gobernador at ni Ezra na pari at tagapagturo ng Kautusan.
27Noong panahong itinalaga ang pader ng Jerusalem, ipinatawag ang mga Levita mula sa tinitirhan nila. Pinapunta sila sa Jerusalem upang makalahok sa masayang pagdiriwang ng pagtatalaga ng Templo sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awit ng pasasalamat at pagtugtog ng mga pompyang, alpa, at lira.
28Pinapunta rin ang mga mang-aawit mula sa mga nayon sa paligid ng Jerusalem at mula sa mga nayon ng Netofa.
29May mga nagmula sa bayan ng Bet-gilgal, at sa lugar ng Geba at Azmavet. Sapagkat ang mga mang-aawit ay nagtayo ng sarili nilang mga nayon sa paligid ng Jerusalem.
30Gumawa ng seremonya sa paglilinis ang mga pari at mga Levita, upang maging malinis sila, at ganoon din ang ginawa nila sa mga tao, sa mga pintuan ng lungsod at sa pader nito.