Nehemias 12

Gumawa ng seremonya sa paglilinis ang mga pari at mga Levita, upang maging malinis sila, at ganoon din ang ginawa nila sa mga tao, sa mga pintuan ng lungsod at sa pader nito.

Nehemiah 12:30 (UKJV) And the priests and the Levites purified themselves, and purified the people, and the gates, and the wall.

28Pinapunta rin ang mga mang-aawit mula sa mga nayon sa paligid ng Jerusalem at mula sa mga nayon ng Netofa.

29May mga nagmula sa bayan ng Bet-gilgal, at sa lugar ng Geba at Azmavet. Sapagkat ang mga mang-aawit ay nagtayo ng sarili nilang mga nayon sa paligid ng Jerusalem.

30Gumawa ng seremonya sa paglilinis ang mga pari at mga Levita, upang maging malinis sila, at ganoon din ang ginawa nila sa mga tao, sa mga pintuan ng lungsod at sa pader nito.

31Dinala ko ang mga pinuno ng Juda sa itaas ng pader, at tinipon ko roon ang dalawang malalaking grupo ng mga mang-aawit upang magpasalamat. Ang isang grupo naman ay nagmartsa roon sa itaas papunta sa pintuan ng pinagtatapunan ng basura.

32Sumusunod sa kanila sina Hosaias at ang kalahati ng mga pinuno ng Juda,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.