Nehemias 2

Sinabi ko rin sa kanila kung gaano kabuti ang Diyos sa akin at kung ano ang sinabi ng hari sa akin. Sumagot sila, “Sige, muli nating itayo ang pader.” Kaya naghanda sila upang simulan ang mabuting gawaing ito.

Nehemiah 2:18 (UKJV) Then I told them of the hand of my God which was good upon me; as also the king's words that he had spoken unto me. And they said, Let us rise up and build. So they strengthened their hands for this good work.

16Hindi alam ng mga opisyal ng lungsod kung saan ako nanggaling at kung ano ang ginawa ko. Sapagkat wala pa akong pinagsabihang Hudyo tungkol sa balak ko, kahit ang mga pari, mga pinuno, mga opisyal, at ang iba pang nasa pamahalaan.

17Ngunit ngayon ay sinabi ko sa kanila, “Nakita nʼyo ang nakakaawang kalagayan ng lungsod natin. Giba ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito. Muli nating itayo ang pader ng Jerusalem upang hindi na tayo mapahiya.”

18Sinabi ko rin sa kanila kung gaano kabuti ang Diyos sa akin at kung ano ang sinabi ng hari sa akin. Sumagot sila, “Sige, muli nating itayo ang pader.” Kaya naghanda sila upang simulan ang mabuting gawaing ito.

19Ngunit nang mabalitaan ito ni Sanbalat na taga-Horon, ni Tobias na isang opisyal na Amonita, at ni Gesem na isang Arabo, nilait nila kami at pinagtawanan. Sinabi nila, “Ano ang ginagawa nʼyong ito? Nagbabalak ba kayong maghimagsik laban sa hari?”

20Sinagot ko sila, “Magtatagumpay kami sa pamamagitan ng tulong ng Diyos sa langit. Kami na mga lingkod niya ay magsisimula na sa pagpapatayo ng pader na ito. Ngunit kayo ay hindi kabilang at walang karapatan sa Jerusalem, at hindi kayo bahagi ng kasaysayan nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.