Nehemias 2

Ngunit nang mabalitaan ito ni Sanbalat na taga-Horon, ni Tobias na isang opisyal na Amonita, at ni Gesem na isang Arabo, nilait nila kami at pinagtawanan. Sinabi nila, “Ano ang ginagawa nʼyong ito? Nagbabalak ba kayong maghimagsik laban sa hari?”

Nehemiah 2:19 (UKJV) But when Sanballat the Horonite, and Tobiah the servant, the Ammonite, and Geshem the Arabian, heard it, they laughed us to scorn, and despised us, and said, What is this thing that all of you do? will all of you rebel against the king?

17Ngunit ngayon ay sinabi ko sa kanila, “Nakita nʼyo ang nakakaawang kalagayan ng lungsod natin. Giba ang Jerusalem at sunog ang mga pintuan nito. Muli nating itayo ang pader ng Jerusalem upang hindi na tayo mapahiya.”

18Sinabi ko rin sa kanila kung gaano kabuti ang Diyos sa akin at kung ano ang sinabi ng hari sa akin. Sumagot sila, “Sige, muli nating itayo ang pader.” Kaya naghanda sila upang simulan ang mabuting gawaing ito.

19Ngunit nang mabalitaan ito ni Sanbalat na taga-Horon, ni Tobias na isang opisyal na Amonita, at ni Gesem na isang Arabo, nilait nila kami at pinagtawanan. Sinabi nila, “Ano ang ginagawa nʼyong ito? Nagbabalak ba kayong maghimagsik laban sa hari?”

20Sinagot ko sila, “Magtatagumpay kami sa pamamagitan ng tulong ng Diyos sa langit. Kami na mga lingkod niya ay magsisimula na sa pagpapatayo ng pader na ito. Ngunit kayo ay hindi kabilang at walang karapatan sa Jerusalem, at hindi kayo bahagi ng kasaysayan nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.