11Ang nagtayo ng sumunod pang bahagi ng pader at ng tore na may mga hurno ay sina Malquias na anak ni Harim, at Hasub na anak ni Pahat-moab.
12Ang sumunod na nagtayo ay ang anak ni Halohesh na si Salum, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem. Tinulungan siya ng mga anak niyang babae.
13Ang nagtayo ng pintuang nakaharap sa lambak ay si Hanun at ang mga taga-Zanoa. Ikinabit nila ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka. Ipinatayo rin nila ang 450 metro na pader sa pintuan ng pinagtatapunan ng basura.
14Ang nagtayo ng pintuan ng pinagtatapunan ng basura ay ang anak ni Recab na si Malquias, na pinuno ng distrito ng Bet-hakerem. Ikinabit niya ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka.
15Ang nagtayo ng Pintuan ng Bukal ay ang anak ni Colhoze na si Salum, na pinuno ng distrito ng Mizpa. Binubungan niya ito, ikinabit ang mga pinto at ginawan ng mga trangka. Itinayo rin niya ang pader ng paliguan sa Siloam, malapit sa hardin ng hari, hanggang sa hagdanang pababa mula sa Lungsod ni David.