Nehemias 3

Ang nagtayo ng pintuan ng pinagtatapunan ng basura ay ang anak ni Recab na si Malquias, na pinuno ng distrito ng Bet-hakerem. Ikinabit niya ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka.

Nehemiah 3:14 (UKJV) But the dung gate repaired Malchiah the son of Rechab, the ruler of part of Bethhaccerem; he built it, and set up the doors thereof, the locks thereof, and the bars thereof.

12Ang sumunod na nagtayo ay ang anak ni Halohesh na si Salum, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem. Tinulungan siya ng mga anak niyang babae.

13Ang nagtayo ng pintuang nakaharap sa lambak ay si Hanun at ang mga taga-Zanoa. Ikinabit nila ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka. Ipinatayo rin nila ang 450 metro na pader sa pintuan ng pinagtatapunan ng basura.

14Ang nagtayo ng pintuan ng pinagtatapunan ng basura ay ang anak ni Recab na si Malquias, na pinuno ng distrito ng Bet-hakerem. Ikinabit niya ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka.

15Ang nagtayo ng Pintuan ng Bukal ay ang anak ni Colhoze na si Salum, na pinuno ng distrito ng Mizpa. Binubungan niya ito, ikinabit ang mga pinto at ginawan ng mga trangka. Itinayo rin niya ang pader ng paliguan sa Siloam, malapit sa hardin ng hari, hanggang sa hagdanang pababa mula sa Lungsod ni David.

16Ang sumunod sa kanya ay ang anak ni Azbuk na si Nehemias, na pinuno ng kalahating distrito ng Bet-sur. Itinayo niya ang pader na nakaharap sa libingan ni David hanggang sa pinag-iimbakan ng tubig at sa kampo ng mga sundalo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.