14Ang nagtayo ng pintuan ng pinagtatapunan ng basura ay ang anak ni Recab na si Malquias, na pinuno ng distrito ng Bet-hakerem. Ikinabit niya ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka.
15Ang nagtayo ng Pintuan ng Bukal ay ang anak ni Colhoze na si Salum, na pinuno ng distrito ng Mizpa. Binubungan niya ito, ikinabit ang mga pinto at ginawan ng mga trangka. Itinayo rin niya ang pader ng paliguan sa Siloam, malapit sa hardin ng hari, hanggang sa hagdanang pababa mula sa Lungsod ni David.
16Ang sumunod sa kanya ay ang anak ni Azbuk na si Nehemias, na pinuno ng kalahating distrito ng Bet-sur. Itinayo niya ang pader na nakaharap sa libingan ni David hanggang sa pinag-iimbakan ng tubig at sa kampo ng mga sundalo.
17Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay ang mga Levita na pinamumunuan ni Rehum na anak ni Bani. Ang sumunod sa kanya ay si Hashabias na pinuno ng kalahating distrito ng Keila.
18Ang sumunod sa kanya ay ang mga kababayan niya na pinamumunuan ng anak ni Henadad na si Binui, na pinuno ng kalahating distrito ng Keila.