10Ang sumunod sa kanya ay si Jedaias na anak ni Harumaf. Itinayo niya ang bahagi ng pader malapit sa kanyang bahay. Ang sumunod sa kanya ay si Hatus na anak ni Hasabneias.
11Ang nagtayo ng sumunod pang bahagi ng pader at ng tore na may mga hurno ay sina Malquias na anak ni Harim, at Hasub na anak ni Pahat-moab.
12Ang sumunod na nagtayo ay ang anak ni Halohesh na si Salum, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem. Tinulungan siya ng mga anak niyang babae.
13Ang nagtayo ng pintuang nakaharap sa lambak ay si Hanun at ang mga taga-Zanoa. Ikinabit nila ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka. Ipinatayo rin nila ang 450 metro na pader sa pintuan ng pinagtatapunan ng basura.
14Ang nagtayo ng pintuan ng pinagtatapunan ng basura ay ang anak ni Recab na si Malquias, na pinuno ng distrito ng Bet-hakerem. Ikinabit niya ang mga pinto nito, at ginawan ng mga trangka.