8Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay si Uziel na platero, na anak ni Harhaia. Ang sumunod naman sa kanya ay si Hananias na manggagawa ng pabango. Itinayo nila ang bahaging ito ng pader ng Jerusalem hanggang sa Malawak na Pader.
9Ang sumunod na nagtayo sa kanila ay ang anak ni Hur na si Refaias, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem.
10Ang sumunod sa kanya ay si Jedaias na anak ni Harumaf. Itinayo niya ang bahagi ng pader malapit sa kanyang bahay. Ang sumunod sa kanya ay si Hatus na anak ni Hasabneias.
11Ang nagtayo ng sumunod pang bahagi ng pader at ng tore na may mga hurno ay sina Malquias na anak ni Harim, at Hasub na anak ni Pahat-moab.
12Ang sumunod na nagtayo ay ang anak ni Halohesh na si Salum, na pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem. Tinulungan siya ng mga anak niyang babae.