28Ang nagtayo ng bahagi ng pader na paahon mula sa Pintuan ng mga Kabayo ay ang mga pari. Itinayo ng bawat isa sa kanila ang bahagi na nakaharap sa bahay nila.
29Ang sumunod sa kanila ay si Sadoc na anak ni Imer. Itinayo niya ang bahagi ng pader na nakaharap sa bahay niya. Ang sumunod sa kanya ay ang anak ni Secanias na si Semaias, na tagapagbantay ng Pintuan sa Silangan.
30Ang sumunod sa kanya ay si Hananias na anak ni Selemias at si Hanun na ikaanim na anak ni Zalaf. Pangalawang bahagi na ito ng pader na kanilang itinayo. Ang sumunod sa kanila ay si Mesulam na anak ni Berequias. Itinayo niya ang bahagi ng pader na nakaharap sa bahay niya.
31Ang sumunod naman ay si Malquias na isang platero. Itinayo niya ang bahagi ng pader hanggang sa tinitirhan ng mga tagapaglingkod sa Templo at ng mga mangangalakal, na nakaharap sa Pintuan ng Pinagtitipunan, at hanggang sa kuwarto sa sulok na nasa itaas ng pader.
32Ang nagtayo ng bahagi ng pader mula sa kuwartong iyon hanggang sa pintuan na tinatawag na Tupa ay ang mga platero at mga mangangalakal.