Nehemias 3

Ang nagtayo ng bahagi ng pader mula sa kuwartong iyon hanggang sa pintuan na tinatawag na Tupa ay ang mga platero at mga mangangalakal.

Nehemiah 3:32 (UKJV) And between the going up of the corner unto the sheep gate repaired the goldsmiths and the merchants.

30Ang sumunod sa kanya ay si Hananias na anak ni Selemias at si Hanun na ikaanim na anak ni Zalaf. Pangalawang bahagi na ito ng pader na kanilang itinayo. Ang sumunod sa kanila ay si Mesulam na anak ni Berequias. Itinayo niya ang bahagi ng pader na nakaharap sa bahay niya.

31Ang sumunod naman ay si Malquias na isang platero. Itinayo niya ang bahagi ng pader hanggang sa tinitirhan ng mga tagapaglingkod sa Templo at ng mga mangangalakal, na nakaharap sa Pintuan ng Pinagtitipunan, at hanggang sa kuwarto sa sulok na nasa itaas ng pader.

32Ang nagtayo ng bahagi ng pader mula sa kuwartong iyon hanggang sa pintuan na tinatawag na Tupa ay ang mga platero at mga mangangalakal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.