2Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay ang mga taga-Jerico, at sumunod sa kanila ay si Zacur na anak ni Imri.
3Itinayo ng mga anak na lalaki ni Hasenaa ang pintuang tinatawag na Isda. Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.
4Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay si Meremot na anak ni Urias at apo ni Hakoz. Ang kasunod na bahagi namaʼy itinayo ni Mesulam na anak ni Berequias at apo ni Mesezabel. Sumunod naman ay si Sadoc na anak ni Baana.
5At ang sumunod sa kanya ay mga taga-Tekoa. Ngunit ang mga pinuno nila ay hindi sumunod sa ipinapagawa ng mga namumuno sa kanila sa gawain.
6Ang nagtayo ng Lumang Pintuan ay si Joiada na anak ni Pasea at si Mesulam na anak ni Besodeias. Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.