Nehemias 3

Ang nagtayo ng Lumang Pintuan ay si Joiada na anak ni Pasea at si Mesulam na anak ni Besodeias. Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.

Nehemiah 3:6 (UKJV) Moreover the old gate repaired Jehoiada the son of Paseah, and Meshullam the son of Besodeiah; they laid the beams thereof, and set up the doors thereof, and the locks thereof, and the bars thereof.

4Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay si Meremot na anak ni Urias at apo ni Hakoz. Ang kasunod na bahagi namaʼy itinayo ni Mesulam na anak ni Berequias at apo ni Mesezabel. Sumunod naman ay si Sadoc na anak ni Baana.

5At ang sumunod sa kanya ay mga taga-Tekoa. Ngunit ang mga pinuno nila ay hindi sumunod sa ipinapagawa ng mga namumuno sa kanila sa gawain.

6Ang nagtayo ng Lumang Pintuan ay si Joiada na anak ni Pasea at si Mesulam na anak ni Besodeias. Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.

7Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay sina Melatias na taga-Gibeon, Jadon na taga-Meronot at ang mga lalaking taga-Gibeon at taga-Mizpa. Ang mga lugar na ito ay sakop ng gobernador ng probinsya sa kanluran ng Ilog Eufrates.

8Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay si Uziel na platero, na anak ni Harhaia. Ang sumunod naman sa kanya ay si Hananias na manggagawa ng pabango. Itinayo nila ang bahaging ito ng pader ng Jerusalem hanggang sa Malawak na Pader.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.