1Itinayo ni Eliasib na punong pari at ng mga kasamahan niyang pari ang pintuan na tinatawag na Tupa. Matapos nilang itinalaga ito ay ikinabit ang mga pintuan. Itinayo rin nila at itinalaga ang mga pader hanggang sa Tore ng Isang Daan at sa Tore ni Hananel.
2Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay ang mga taga-Jerico, at sumunod sa kanila ay si Zacur na anak ni Imri.
3Itinayo ng mga anak na lalaki ni Hasenaa ang pintuang tinatawag na Isda. Nilagyan nila ito ng mga hamba, ikinabit ang mga pinto, at ginawan ng mga trangka.
4Ang nagtayo ng sumunod na bahagi ng pader ay si Meremot na anak ni Urias at apo ni Hakoz. Ang kasunod na bahagi namaʼy itinayo ni Mesulam na anak ni Berequias at apo ni Mesezabel. Sumunod naman ay si Sadoc na anak ni Baana.