5Huwag nʼyo pong patawarin ang pagkakasala nila, at huwag nʼyo rin pong kalimutan ang ginawa nila, dahil hinamak nila kayo sa harap naming mga manggagawa.”
6Patuloy ang aming pagtatayo ng pader at nangangalahati na ang taas nito dahil ang mga tao ay talagang masigasig na gumagawa.
7Ngunit nang mabalitaan nina Sanbalat, Tobias, at ng mga taga-Arabia, Amonita, at mga taga-Asdod na patuloy ang pagtatayo ng pader ng Jerusalem at natakpan na ang mga butas nito, galit na galit sila.
8Binalak nilang lahat na salakayin ang Jerusalem upang guluhin kami.
9Subalit nanalangin kami sa aming Diyos at naglagay ng mga guwardiya araw at gabi upang maprotektahan ang mga sarili namin.