Nehemias 4

Huwag nʼyo pong patawarin ang pagkakasala nila, at huwag nʼyo rin pong kalimutan ang ginawa nila, dahil hinamak nila kayo sa harap naming mga manggagawa.”

Nehemiah 4:5 (UKJV) And cover not their iniquity, and let not their sin be blotted out from before you: for they have provoked you to anger before the builders.

3Sinabi pa ng Amonitang si Tobias na nasa tabi ni Sanbalat, “Kahit asong-gubat lang ang sumampa sa pader na iyan, mawawasak na iyan!”

4Agad akong nanalangin, “O aming Diyos, pakinggan nʼyo po kami dahil hinahamak kami. Sa kanila po sana mangyari ang mga panunuya nilang ito sa amin. Madala sana sila sa ibang lugar bilang bihag.

5Huwag nʼyo pong patawarin ang pagkakasala nila, at huwag nʼyo rin pong kalimutan ang ginawa nila, dahil hinamak nila kayo sa harap naming mga manggagawa.”

6Patuloy ang aming pagtatayo ng pader at nangangalahati na ang taas nito dahil ang mga tao ay talagang masigasig na gumagawa.

7Ngunit nang mabalitaan nina Sanbalat, Tobias, at ng mga taga-Arabia, Amonita, at mga taga-Asdod na patuloy ang pagtatayo ng pader ng Jerusalem at natakpan na ang mga butas nito, galit na galit sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.