Nehemias 4

Patuloy ang aming pagtatayo ng pader at nangangalahati na ang taas nito dahil ang mga tao ay talagang masigasig na gumagawa.

Nehemiah 4:6 (UKJV) So built we the wall; and all the wall was joined together unto the half thereof: for the people had a mind to work.

4Agad akong nanalangin, “O aming Diyos, pakinggan nʼyo po kami dahil hinahamak kami. Sa kanila po sana mangyari ang mga panunuya nilang ito sa amin. Madala sana sila sa ibang lugar bilang bihag.

5Huwag nʼyo pong patawarin ang pagkakasala nila, at huwag nʼyo rin pong kalimutan ang ginawa nila, dahil hinamak nila kayo sa harap naming mga manggagawa.”

6Patuloy ang aming pagtatayo ng pader at nangangalahati na ang taas nito dahil ang mga tao ay talagang masigasig na gumagawa.

7Ngunit nang mabalitaan nina Sanbalat, Tobias, at ng mga taga-Arabia, Amonita, at mga taga-Asdod na patuloy ang pagtatayo ng pader ng Jerusalem at natakpan na ang mga butas nito, galit na galit sila.

8Binalak nilang lahat na salakayin ang Jerusalem upang guluhin kami.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.