2Sinabi nila, “Malaki ang pamilya namin at kailangan namin ng pagkain upang mabuhay.”
3May iba rin sa kanila na nagsabi, “Isinanla na lang namin ang mga bukirin namin, mga ubasan, at ang mga bahay namin upang may makain kami sa panahon ng taggutom.”
4May iba pa sa kanila na nagsabi, “Nanghiram kami ng pera upang makapagbayad ng buwis sa hari para sa aming mga bukirin at ubasan.
5Kahit kami at ang mga anak namin ay kapwa nila Hudyo, kinailangang ipaalipin namin sa kanila ang aming mga anak upang magkapera. Sa totoo lang, ang iba naming mga anak na babae ay ipinagbili na namin bilang alipin. Wala kaming magawa dahil ang aming mga bukirin at mga ubasan ay pagmamay-ari na ng iba.”
6Labis akong nagalit nang marinig ko ang mga hinaing nila.