1Dumaing ang ibang mga lalaki at ang mga asawa nila sa kapwa nila mga Hudyo.
2Sinabi nila, “Malaki ang pamilya namin at kailangan namin ng pagkain upang mabuhay.”
3May iba rin sa kanila na nagsabi, “Isinanla na lang namin ang mga bukirin namin, mga ubasan, at ang mga bahay namin upang may makain kami sa panahon ng taggutom.”
4May iba pa sa kanila na nagsabi, “Nanghiram kami ng pera upang makapagbayad ng buwis sa hari para sa aming mga bukirin at ubasan.