Nehemias 6

Isang araw, pumunta ako kay Semaias na anak ni Delaias at apo ni Mehetabel, dahil hindi siya makaalis sa bahay niya. Sinabi niya sa akin, “Magkita tayo sa loob ng bahay ng Diyos, at ikandado natin ang mga pintuan. Dahil darating ang mga kalaban mo ngayong gabi upang patayin ka.”

Nehemiah 6:10 (UKJV) Afterward I came unto the house of Shemaiah the son of Delaiah the son of Mehetabeel, who was shut up; and he said, Let us meet together in the house of God, within the temple, and let us shut the doors of the temple: for they will come to slay you; yea, in the night will they come to slay you.

8Ito ang sagot ko sa kanya: “Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Gawa-gawa mo lang iyan.”

9Alam kong tinatakot lang nila kami upang mahinto ang paggawa namin. Ngunit nanalangin ako sa Diyos na palakasin pa niya ako.

10Isang araw, pumunta ako kay Semaias na anak ni Delaias at apo ni Mehetabel, dahil hindi siya makaalis sa bahay niya. Sinabi niya sa akin, “Magkita tayo sa loob ng bahay ng Diyos, at ikandado natin ang mga pintuan. Dahil darating ang mga kalaban mo ngayong gabi upang patayin ka.”

11Ngunit sumagot ako, “Gobernador ako, bakit ako lalayo at magtatago sa loob ng Templo upang iligtas ang buhay ko? Hindi ako magtatago!”

12Naisip kong hindi nangusap ang Diyos sa kanya, kundi inupahan lamang siya nina Sanbalat at Tobias para sabihin iyon sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.