6At ito ang nakasulat: “Ipinagtapat sa akin ni Gesem na kahit saan siya pumunta ay naririnig niyang ikaw at ang mga Hudyo ay nagbabalak mag-alsa, at iyan ang dahilan kung bakit muli ninyong ipinapatayo ang pader. At ayon sa narinig niya, gusto mong maging hari ng mga Hudyo,
7at pumili ka pa ng mga propeta na magpoproklama sa iyo sa Jerusalem na ikaw na ang hari ng Juda. Tiyak na malalaman ito ng hari, kaya pumarito ka upang pag-usapan natin ang mga bagay na ito.”
8Ito ang sagot ko sa kanya: “Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Gawa-gawa mo lang iyan.”
9Alam kong tinatakot lang nila kami upang mahinto ang paggawa namin. Ngunit nanalangin ako sa Diyos na palakasin pa niya ako.
10Isang araw, pumunta ako kay Semaias na anak ni Delaias at apo ni Mehetabel, dahil hindi siya makaalis sa bahay niya. Sinabi niya sa akin, “Magkita tayo sa loob ng bahay ng Diyos, at ikandado natin ang mga pintuan. Dahil darating ang mga kalaban mo ngayong gabi upang patayin ka.”