Nehemias 6

at pumili ka pa ng mga propeta na magpoproklama sa iyo sa Jerusalem na ikaw na ang hari ng Juda. Tiyak na malalaman ito ng hari, kaya pumarito ka upang pag-usapan natin ang mga bagay na ito.”

Nehemiah 6:7 (UKJV) And you have also appointed prophets to preach of you at Jerusalem, saying, There is a king in Judah: and now shall it be reported to the king according to these words. Come now therefore, and let us take counsel together.

5Sa panglimang beses pinapunta ni Sanbalat sa akin ang alipin niya na may dalang sulat na nakabukas na.

6At ito ang nakasulat: “Ipinagtapat sa akin ni Gesem na kahit saan siya pumunta ay naririnig niyang ikaw at ang mga Hudyo ay nagbabalak mag-alsa, at iyan ang dahilan kung bakit muli ninyong ipinapatayo ang pader. At ayon sa narinig niya, gusto mong maging hari ng mga Hudyo,

7at pumili ka pa ng mga propeta na magpoproklama sa iyo sa Jerusalem na ikaw na ang hari ng Juda. Tiyak na malalaman ito ng hari, kaya pumarito ka upang pag-usapan natin ang mga bagay na ito.”

8Ito ang sagot ko sa kanya: “Hindi totoo ang mga sinasabi mo. Gawa-gawa mo lang iyan.”

9Alam kong tinatakot lang nila kami upang mahinto ang paggawa namin. Ngunit nanalangin ako sa Diyos na palakasin pa niya ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.