Nehemias 6

O aking Diyos, huwag nʼyo pong kalimutan si Tobias at si Sanbalat sa kanilang mga masamang ginawa, pati na ang babaeng propeta na si Noadias at ang iba pang mga propeta na naghangad na takutin ako.

Nehemiah 6:14 (UKJV) My God, think you upon Tobiah and Sanballat according to these their works, and on the prophetess Noadiah, and the rest of the prophets, that would have put me in fear.

12Naisip kong hindi nangusap ang Diyos sa kanya, kundi inupahan lamang siya nina Sanbalat at Tobias para sabihin iyon sa akin.

13Gusto lamang nila akong takutin at magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa sinasabi ni Semaias, upang hamakin nila ako at pintasan ng mga tao.

14O aking Diyos, huwag nʼyo pong kalimutan si Tobias at si Sanbalat sa kanilang mga masamang ginawa, pati na ang babaeng propeta na si Noadias at ang iba pang mga propeta na naghangad na takutin ako.

15Natapos ang pader noong ikadalawampuʼt limang araw ng buwan ng Elul, sa loob ng limampuʼt dalawang araw.

16Nang mabalitaan ito ng aming mga kalaban sa kalapit na mga bansa, natakot sila at napahiya. Napag-isip-isip nila na natapos ang gawaing iyon sa pamamagitan ng tulong ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.