Nehemias 6

Gusto lamang nila akong takutin at magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa sinasabi ni Semaias, upang hamakin nila ako at pintasan ng mga tao.

Nehemiah 6:13 (UKJV) Therefore was he hired, that I should be afraid, and do so, and sin, and that they might have matter for an evil report, that they might reproach me.

11Ngunit sumagot ako, “Gobernador ako, bakit ako lalayo at magtatago sa loob ng Templo upang iligtas ang buhay ko? Hindi ako magtatago!”

12Naisip kong hindi nangusap ang Diyos sa kanya, kundi inupahan lamang siya nina Sanbalat at Tobias para sabihin iyon sa akin.

13Gusto lamang nila akong takutin at magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa sinasabi ni Semaias, upang hamakin nila ako at pintasan ng mga tao.

14O aking Diyos, huwag nʼyo pong kalimutan si Tobias at si Sanbalat sa kanilang mga masamang ginawa, pati na ang babaeng propeta na si Noadias at ang iba pang mga propeta na naghangad na takutin ako.

15Natapos ang pader noong ikadalawampuʼt limang araw ng buwan ng Elul, sa loob ng limampuʼt dalawang araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.