Nehemias 8

Kaya kumuha ang mga tao ng mga sanga at gumawa ng kubol sa bubong ng mga bahay nila, sa bakuran ng mga bahay nila, sa bakuran ng bahay ng Diyos, sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig, at sa Pintuan ni Efraim.

Nehemiah 8:16 (UKJV) So the people went forth, and brought them, and made themselves booths, every one upon the roof of his house, and in their courts, and in the courts of the house of God, and in the street of the water gate, and in the street of the gate of Ephraim.

14Natuklasan nila sa Kautusan na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na ang mga Israelita ay dapat tumira sa mga kubol sa oras ng pista na ginaganap tuwing ikapitong buwan.

15At dapat nilang ipaalam sa Jerusalem at sa iba pa nilang mga bayan ang utos ng Panginoon: “Pumunta kayo sa mga kaburulan at kumuha ng mga sanga ng olibo, olibong-ligaw, mirto, palma, at iba pang mga kahoy na malago upang gawing mga kubol, ayon sa nakasulat sa Kautusan.”

16Kaya kumuha ang mga tao ng mga sanga at gumawa ng kubol sa bubong ng mga bahay nila, sa bakuran ng mga bahay nila, sa bakuran ng bahay ng Diyos, sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig, at sa Pintuan ni Efraim.

17Lahat sila na bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol at doon tumira. Hindi pa nila nagawa ang ganito simula noong panahon ni Josue na anak ni Nun; at labis ang kasiyahan nila.

18Araw-araw ay binabasa ni Ezra sa mga tao ang Aklat ng Kautusan ng Diyos, mula sa una hanggang sa huling araw ng pista. Ipinagdiwang nila ang pista ng pitong araw, at nang ikawalong araw, nagtipon sila bilang pagtatapos ayon sa Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.