Nehemias 8

Araw-araw ay binabasa ni Ezra sa mga tao ang Aklat ng Kautusan ng Diyos, mula sa una hanggang sa huling araw ng pista. Ipinagdiwang nila ang pista ng pitong araw, at nang ikawalong araw, nagtipon sila bilang pagtatapos ayon sa Kautusan.

Nehemiah 8:18 (UKJV) Also day by day, from the first day unto the last day, he read in the book of the law of God. And they kept the feast seven days; and on the eighth day was a solemn assembly, according unto the manner.

16Kaya kumuha ang mga tao ng mga sanga at gumawa ng kubol sa bubong ng mga bahay nila, sa bakuran ng mga bahay nila, sa bakuran ng bahay ng Diyos, sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig, at sa Pintuan ni Efraim.

17Lahat sila na bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol at doon tumira. Hindi pa nila nagawa ang ganito simula noong panahon ni Josue na anak ni Nun; at labis ang kasiyahan nila.

18Araw-araw ay binabasa ni Ezra sa mga tao ang Aklat ng Kautusan ng Diyos, mula sa una hanggang sa huling araw ng pista. Ipinagdiwang nila ang pista ng pitong araw, at nang ikawalong araw, nagtipon sila bilang pagtatapos ayon sa Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.