Nehemias 9

Nang ikadalawampuʼt apat na araw ng buwan ding iyon, nagtipon-tipon ang mga Israelita upang mag-ayuno. Nagdamit sila ng sako at naglagay ng alikabok sa kanilang ulo.

Nehemiah 9:1 (UKJV) Now in the twenty and fourth day of this month the children of Israel were assembled with fasting, and with sack clothes, and earth upon them.

1Nang ikadalawampuʼt apat na araw ng buwan ding iyon, nagtipon-tipon ang mga Israelita upang mag-ayuno. Nagdamit sila ng sako at naglagay ng alikabok sa kanilang ulo.

2Humiwalay ang mga Israelita sa mga dayuhan. Tumayo sila at ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno.

3Nakatayo sila sa loob ng tatlong oras habang binabasa sa kanila ang Kautusan ng Panginoon na kanilang Diyos. At sa loob din ng tatlong oras, ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sumamba sa Panginoon na kanilang Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.