Nehemias 9

Nakatayo sila sa loob ng tatlong oras habang binabasa sa kanila ang Kautusan ng Panginoon na kanilang Diyos. At sa loob din ng tatlong oras, ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sumamba sa Panginoon na kanilang Diyos.

Nehemiah 9:3 (UKJV) And they stood up in their place, and read in the book of the law of the LORD their God one fourth part of the day; and another fourth part they confessed, and worshipped the LORD their God.

1Nang ikadalawampuʼt apat na araw ng buwan ding iyon, nagtipon-tipon ang mga Israelita upang mag-ayuno. Nagdamit sila ng sako at naglagay ng alikabok sa kanilang ulo.

2Humiwalay ang mga Israelita sa mga dayuhan. Tumayo sila at ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno.

3Nakatayo sila sa loob ng tatlong oras habang binabasa sa kanila ang Kautusan ng Panginoon na kanilang Diyos. At sa loob din ng tatlong oras, ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sumamba sa Panginoon na kanilang Diyos.

4Sa hagdanang nakalaan sa mga Levita, nakatayo sina Jeshua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, Bani at Kenani, at malakas silang nananalangin sa Panginoon na kanilang Diyos.

5At sinabi ng mga Levitang sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias, “Tumayo kayo at purihin ang Panginoon na inyong Diyos na walang hanggan!” Pagkatapos ay nanalangin sila: “O Panginoon, kapuri-puri po ang inyong dakilang pangalan! Hindi ito mapapantayan ng anumang pagpapala at pagpupuri.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.