Nehemias 9

Humiwalay ang mga Israelita sa mga dayuhan. Tumayo sila at ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno.

Nehemiah 9:2 (UKJV) And the seed of Israel separated themselves from all strangers, and stood and confessed their sins, and the iniquities of their fathers.

1Nang ikadalawampuʼt apat na araw ng buwan ding iyon, nagtipon-tipon ang mga Israelita upang mag-ayuno. Nagdamit sila ng sako at naglagay ng alikabok sa kanilang ulo.

2Humiwalay ang mga Israelita sa mga dayuhan. Tumayo sila at ipinahayag ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno.

3Nakatayo sila sa loob ng tatlong oras habang binabasa sa kanila ang Kautusan ng Panginoon na kanilang Diyos. At sa loob din ng tatlong oras, ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sumamba sa Panginoon na kanilang Diyos.

4Sa hagdanang nakalaan sa mga Levita, nakatayo sina Jeshua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, Bani at Kenani, at malakas silang nananalangin sa Panginoon na kanilang Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.