9Huwag lang kayong magrerebelde sa Panginoon. At huwag kayong matatakot sa mga tao doon dahil madali natin silang matatalo. Wala nang magtatanggol sa kanila, ngunit kasama natin ang Panginoon. Kaya huwag kayong matakot sa kanila.”
10Babatuhin sana sila ng buong kapulungan, ngunit biglang nagpakita sa lahat ng Israelita ang kaluwalhatian ng Panginoon sa itaas ng Toldang Tipanan.
11Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Hanggang kailan pa ba ako itatakwil ng mga taong ito? Hanggang kailan pa ba sila hindi maniniwala sa akin sa kabila ng lahat ng mga himalang ginawa ko sa kanila?
12Padadalhan ko sila ng salot at papatayin ko sila, ngunit gagawin kitang isang bansa na mas makapangyarihan at matatag kaysa sa kanila.”
13Sinabi ni Moises sa Panginoon, “Ano na lang po ang sasabihin ng mga Ehipsiyo kung mababalitaan nila ito? Hindi baʼt nalalaman nila na kinuha ninyo ang mga Israelita sa kanila sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan?