Mga Bilang 14

Huwag lang kayong magrerebelde sa Panginoon. At huwag kayong matatakot sa mga tao doon dahil madali natin silang matatalo. Wala nang magtatanggol sa kanila, ngunit kasama natin ang Panginoon. Kaya huwag kayong matakot sa kanila.”

Numbers 14:9 (UKJV) Only rebel not all of you against the LORD, neither fear all of you the people of the land; for they are bread for us: their defence is departed from them, and the LORD is with us: fear them not.

7Sinabi nila sa mga mamamayan ng Israel, “Napakabuti ng lupaing aming pinuntahan.

8Kung nalulugod ang Panginoon sa atin, gagabayan niya tayo papunta sa lupang iyon – lupaing masagana sa gatas at pulot at ibibigay niya ito sa atin.

9Huwag lang kayong magrerebelde sa Panginoon. At huwag kayong matatakot sa mga tao doon dahil madali natin silang matatalo. Wala nang magtatanggol sa kanila, ngunit kasama natin ang Panginoon. Kaya huwag kayong matakot sa kanila.”

10Babatuhin sana sila ng buong kapulungan, ngunit biglang nagpakita sa lahat ng Israelita ang kaluwalhatian ng Panginoon sa itaas ng Toldang Tipanan.

11Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Hanggang kailan pa ba ako itatakwil ng mga taong ito? Hanggang kailan pa ba sila hindi maniniwala sa akin sa kabila ng lahat ng mga himalang ginawa ko sa kanila?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.