5Pagkatapos, nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng lahat ng mamamayan ng Israel na nagkakatipon doon.
6Pinunit ni Josue na anak ni Nun at ni Caleb na anak ni Jefune ang kanilang mga damit dahil sa labis na kalungkutan. Ang dalawang ito ay kasama sa pag-espiya sa lupain.
7Sinabi nila sa mga mamamayan ng Israel, “Napakabuti ng lupaing aming pinuntahan.
8Kung nalulugod ang Panginoon sa atin, gagabayan niya tayo papunta sa lupang iyon – lupaing masagana sa gatas at pulot at ibibigay niya ito sa atin.
9Huwag lang kayong magrerebelde sa Panginoon. At huwag kayong matatakot sa mga tao doon dahil madali natin silang matatalo. Wala nang magtatanggol sa kanila, ngunit kasama natin ang Panginoon. Kaya huwag kayong matakot sa kanila.”