Mga Bilang 14

Kung nalulugod ang Panginoon sa atin, gagabayan niya tayo papunta sa lupang iyon – lupaing masagana sa gatas at pulot at ibibigay niya ito sa atin.

Numbers 14:8 (UKJV) If the LORD delight in us, then he will bring us into this land, and give it us; a land which flows with milk and honey.

6Pinunit ni Josue na anak ni Nun at ni Caleb na anak ni Jefune ang kanilang mga damit dahil sa labis na kalungkutan. Ang dalawang ito ay kasama sa pag-espiya sa lupain.

7Sinabi nila sa mga mamamayan ng Israel, “Napakabuti ng lupaing aming pinuntahan.

8Kung nalulugod ang Panginoon sa atin, gagabayan niya tayo papunta sa lupang iyon – lupaing masagana sa gatas at pulot at ibibigay niya ito sa atin.

9Huwag lang kayong magrerebelde sa Panginoon. At huwag kayong matatakot sa mga tao doon dahil madali natin silang matatalo. Wala nang magtatanggol sa kanila, ngunit kasama natin ang Panginoon. Kaya huwag kayong matakot sa kanila.”

10Babatuhin sana sila ng buong kapulungan, ngunit biglang nagpakita sa lahat ng Israelita ang kaluwalhatian ng Panginoon sa itaas ng Toldang Tipanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.