17“Kaya ngayon, O Panginoon, sana po ay ipakita ninyo ang inyong kapangyarihan ayon sa inyong sinabi na mapagmahal kayo
18at hindi madaling magalit, at mapagpatawad sa mga kasalanan ng tao. Subalit pinaparusahan po ninyo ang mga nagkakasala, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.
19Ayon sa inyong dakilang pagmamahal, patawarin po ninyo ang mga kasalanan ng mga taong ito, gaya ng pagpapatawad ninyo sa kanila mula nang lumabas sila sa Ehipto.”
20Sumagot ang Panginoon, “Patatawarin ko sila ayon sa iyong hiling.
21Ngunit sumusumpa ako, ang Panginoong nabubuhay, habang napupuno ang buong mundo ng kaluwalhatian ko,