38Sa labindalawang espiya, si Josue na anak ni Nun at si Caleb na anak ni Jefune lang ang hindi namatay.
39Nang sinabi ito ni Moises sa lahat ng mga Israelita, nagluksa sila.
40At kinabukasan, maaga silang bumangon para umakyat sa kabundukan ng Canaan. Sinabi nila, “Napagtanto naming nagkasala kami, at ngayoʼy handa na kaming pumunta sa lugar na ipinangako ng Panginoon.”
41Ngunit sinabi ni Moises, “Bakit sinuway ninyo ang utos ng Panginoon na bumalik sa disyerto? Hindi kayo magtatagumpay!
42Huwag kayong lalakad, dahil hindi kayo sasamahan ng Panginoon, at matatalo lang kayo ng inyong mga kaaway.