Mga Bilang 14

Huwag kayong lalakad, dahil hindi kayo sasamahan ng Panginoon, at matatalo lang kayo ng inyong mga kaaway.

Numbers 14:42 (UKJV) Go not up, for the LORD is not among you; that all of you be not smitten before your enemies.

40At kinabukasan, maaga silang bumangon para umakyat sa kabundukan ng Canaan. Sinabi nila, “Napagtanto naming nagkasala kami, at ngayoʼy handa na kaming pumunta sa lugar na ipinangako ng Panginoon.”

41Ngunit sinabi ni Moises, “Bakit sinuway ninyo ang utos ng Panginoon na bumalik sa disyerto? Hindi kayo magtatagumpay!

42Huwag kayong lalakad, dahil hindi kayo sasamahan ng Panginoon, at matatalo lang kayo ng inyong mga kaaway.

43Sa oras na makipaglaban sa inyo ang mga Cananeo at mga Amalekita, mamamatay kayo; hindi sasáma ang Panginoon sa inyo dahil siyaʼy itinakwil ninyo.”

44Ngunit umakyat pa rin sila sa kabundukan ng Canaan kahit hindi sumáma sa kanila si Moises at ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.