Mga Bilang 15

na sabihin ito sa mga Israelita: “Kapag dumating na kayo sa lupain na ibibigay ko sa inyo bilang inyong tirahan,

Numbers 15:2 (UKJV) Speak unto the children of Israel, and say unto them, When all of you be come into the land of your habitations, which I give unto you,

1Inutusan ng Panginoon si Moises

2na sabihin ito sa mga Israelita: “Kapag dumating na kayo sa lupain na ibibigay ko sa inyo bilang inyong tirahan,

3mag-alay kayo sa Panginoon ng mga handog na pagkain mula sa inyong mga kawan ng baka o tupa bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon. Maaaring ito ay handog na sinusunog o mga alay na hayop, o handog para sa pagtupad ng isang panata o handog na kusang-loob o handog sa panahon ng pista.

4Ang magdadala ng handog sa Panginoon ay magdadala rin ng handog na pagkaing butil na isang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis ng olibo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.