Mga Bilang 15

mag-alay kayo sa Panginoon ng mga handog na pagkain mula sa inyong mga kawan ng baka o tupa bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon. Maaaring ito ay handog na sinusunog o mga alay na hayop, o handog para sa pagtupad ng isang panata o handog na kusang-loob o handog sa panahon ng pista.

Numbers 15:3 (UKJV) And will make an offering by fire unto the LORD, a burnt offering, or a sacrifice in performing a vow, or in a freewill offering, or in your solemn feasts, to make a sweet savour unto the LORD, of the herd or of the flock:

1Inutusan ng Panginoon si Moises

2na sabihin ito sa mga Israelita: “Kapag dumating na kayo sa lupain na ibibigay ko sa inyo bilang inyong tirahan,

3mag-alay kayo sa Panginoon ng mga handog na pagkain mula sa inyong mga kawan ng baka o tupa bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon. Maaaring ito ay handog na sinusunog o mga alay na hayop, o handog para sa pagtupad ng isang panata o handog na kusang-loob o handog sa panahon ng pista.

4Ang magdadala ng handog sa Panginoon ay magdadala rin ng handog na pagkaing butil na isang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis ng olibo.

5Kalakip ng bawat tupang inaalay bilang handog na sinusunog o alay na hayop, mag-alay rin kayo ng isang litrong alak bilang handog na inumin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.