2na sabihin ito sa mga Israelita: “Kapag dumating na kayo sa lupain na ibibigay ko sa inyo bilang inyong tirahan,
3mag-alay kayo sa Panginoon ng mga handog na pagkain mula sa inyong mga kawan ng baka o tupa bilang nakalulugod na samyo sa Panginoon. Maaaring ito ay handog na sinusunog o mga alay na hayop, o handog para sa pagtupad ng isang panata o handog na kusang-loob o handog sa panahon ng pista.
4Ang magdadala ng handog sa Panginoon ay magdadala rin ng handog na pagkaing butil na isang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis ng olibo.
5Kalakip ng bawat tupang inaalay bilang handog na sinusunog o alay na hayop, mag-alay rin kayo ng isang litrong alak bilang handog na inumin.
6“Kung matandang tupa ang ihahandog, sasamahan ito ng handog para sa pagpaparangal sa akin ng mga dalawang kilo ng magandang klaseng harina, na hinaluan ng isaʼt kalahating litro ng langis.