4Ang magdadala ng handog sa Panginoon ay magdadala rin ng handog na pagkaing butil na isang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis ng olibo.
5Kalakip ng bawat tupang inaalay bilang handog na sinusunog o alay na hayop, mag-alay rin kayo ng isang litrong alak bilang handog na inumin.
6“Kung matandang tupa ang ihahandog, sasamahan ito ng handog para sa pagpaparangal sa akin ng mga dalawang kilo ng magandang klaseng harina, na hinaluan ng isaʼt kalahating litro ng langis.
7At sasamahan pa ito ng handog na inumin na isaʼt kalahating litrong alak. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon.
8“Ang maghahandog ng batang toro bilang handog na sinusunog o handog sa pagtupad ng isang panata, o handog pangkapayapaan para sa Panginoon,