Mga Bilang 15

At sasamahan pa ito ng handog na inumin na isaʼt kalahating litrong alak. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon.

Numbers 15:7 (UKJV) And for a drink offering you shall offer the third part of an hin of wine, for a sweet savour unto the LORD.

5Kalakip ng bawat tupang inaalay bilang handog na sinusunog o alay na hayop, mag-alay rin kayo ng isang litrong alak bilang handog na inumin.

6“Kung matandang tupa ang ihahandog, sasamahan ito ng handog para sa pagpaparangal sa akin ng mga dalawang kilo ng magandang klaseng harina, na hinaluan ng isaʼt kalahating litro ng langis.

7At sasamahan pa ito ng handog na inumin na isaʼt kalahating litrong alak. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon.

8“Ang maghahandog ng batang toro bilang handog na sinusunog o handog sa pagtupad ng isang panata, o handog pangkapayapaan para sa Panginoon,

9ay kailangang maghandog din ng handog para sa pagpaparangal sa akin ng mga tatlong kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng dalawang litrong langis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.