Mga Bilang 15

ay kailangang maghandog din ng handog para sa pagpaparangal sa akin ng mga tatlong kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng dalawang litrong langis.

Numbers 15:9 (UKJV) Then shall he bring with a bullock a food offering of three tenth deals of flour mingled with half an hin of oil.

7At sasamahan pa ito ng handog na inumin na isaʼt kalahating litrong alak. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon.

8“Ang maghahandog ng batang toro bilang handog na sinusunog o handog sa pagtupad ng isang panata, o handog pangkapayapaan para sa Panginoon,

9ay kailangang maghandog din ng handog para sa pagpaparangal sa akin ng mga tatlong kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng dalawang litrong langis.

10At sasamahan pa ito ng mga handog na inumin na dalawang litrong alak. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.

11Ito ang inyong gagawin kapag maghahandog kayo ng isang toro o matandang lalaking tupa o kambing.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.