6“Kung matandang tupa ang ihahandog, sasamahan ito ng handog para sa pagpaparangal sa akin ng mga dalawang kilo ng magandang klaseng harina, na hinaluan ng isaʼt kalahating litro ng langis.
7At sasamahan pa ito ng handog na inumin na isaʼt kalahating litrong alak. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon.
8“Ang maghahandog ng batang toro bilang handog na sinusunog o handog sa pagtupad ng isang panata, o handog pangkapayapaan para sa Panginoon,
9ay kailangang maghandog din ng handog para sa pagpaparangal sa akin ng mga tatlong kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng dalawang litrong langis.
10At sasamahan pa ito ng mga handog na inumin na dalawang litrong alak. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.