8“Ang maghahandog ng batang toro bilang handog na sinusunog o handog sa pagtupad ng isang panata, o handog pangkapayapaan para sa Panginoon,
9ay kailangang maghandog din ng handog para sa pagpaparangal sa akin ng mga tatlong kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng dalawang litrong langis.
10At sasamahan pa ito ng mga handog na inumin na dalawang litrong alak. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.
11Ito ang inyong gagawin kapag maghahandog kayo ng isang toro o matandang lalaking tupa o kambing.
12Gawin ninyo ito sa bawat hayop na inyong ihahandog.