20Maghandog kayo ng tinapay galing sa harina na una ninyong giniling, katulad ng inyong ginawa sa unang ani ng inyong trigo mula sa giikan.
21Ang handog na ito mula sa harina na una ninyong giniling ay ihahandog ninyo sa Panginoon hanggang sa susunod pang mga henerasyon.
22“Ngunit kung nasuway ng ilan sa inyo ang isa sa mga utos na ibinigay ng Panginoon kay Moises,
23o kayaʼy ng susunod pang mga henerasyon ang alin man sa mga utos na ibinigay ng Panginoon sa inyo sa pamamagitan ni Moises,
24at hindi sinasadya ang paggawa nito, at hindi rin alam ng buong kapulungan na pagsuway pala ito, ang buong kapulungan ay maghahandog ng isang batang toro bilang handog na sinusunog sa oras na nalaman ninyo ang inyong pagsuway. Ang mabangong samyo ng handog na itoʼy makalulugod sa Panginoon. Isama rin ninyo ang mga kinakailangang mga handog na pagkaing butil at inumin, at isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan.